Skip to main content

Ang Lupon ng Serbisyo ng Transportasyon sa Hinaharap Para sa mga May Kapansanan

Gamit ang bagong Serbisyo ng Transportasyon sa Hinaharap Para sa mga May Kapansanan na Proyekto, nagsasagawa ang King County Metro ng pagsusuri sa lahat ng mga transportasyon nito para sa mga may kapansanan, ang Serbisyo sa transportasyon ng Access. At kailangan namin ng tulong ng komunidad para magawa ang aming pinagandang modelo ng serbisyo ng Access. Interesado ka ba? Mag-aplay na sa Lupon ng Serbisyo ng Transportasyon sa Hinaharap Para sa mga May Kapansanan!

Mga Layunin

Nakatakdang makumpleto sa tag-araw ng 2025, ang Transportasyon sa Hinaharap Para sa mga May Kapansanan na proyekto ay maglalayon na:

  • Padaliin ang pagkilos para sa mga may kapansanan na hindi nakagagamit ng fixed-route na transportasyon dahil sa kanilang kapansanan.
  • Pagbutihin ang kahusayan, pagiging epektibo, at mga epekto sa kapaligiran ng Serbisyo sa transportasyon ng Access.
  • Patas na ipaalam, makipag-ugnayan at kumonsulta sa kasalukuyan at potensyal na mga kostumer ng Access, tagapag-alaga, at tagapagbigay ng serbisyo.

Mga Kuwalipikasyon

Para sa Lupon ng Serbisyo ng Transportasyon sa Hinaharap Para sa mga May Kapansanan, naghahanap ang Metro ng mga miyembro sa komunidad na nakaabot sa sumusunod na mga pamantayan.

  • Kasalukuyang sumasakay sa mga sasakyan ng Access para sa may kapansanan o tagapag-alaga na sumasakay sa mga sasakyan ng Access para sa mga may kapansanan.
  • Mga kinatawan ng mga organisasyon na nagbibigay ng serbisyo sa/o sumusuporta sa mga sasakyan ng Access para sa mga may kapansanan.
  • Mga kinatawan ng mga organisasyon na sumusuporta sa kasalukuy ang mga sumasakay at/o potensiyal na sasakay sa Access na may limitadong kakayahan sa wikang Ingles.
  • Dati nang nakasakay sa Access o nagbibigay ng suporta sa transportasyon sa iba pang sumasakay sa Access (kahit isang taon pa lang ang karanasan sa paggawa nito).
  • May karanasan sa pagtukoy sa mga hamon sa transportasyon ng iba’t ibang sumasakay sa Access (kahit isang taon pa lang ang karanasan sa paggawa nito).
expand_less